Manila, Philippines – Kinumpirma ng Philippinde Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang Mexican Sinaloa Syndicate ang nasa likod ng mga nasabat na mga parcel ng shabu sa NAIA noong December 4.
Modus ng sindikato na itago ang iligal na droga sa iba’t-ibang uri ng package na mahirap ma-detect ng x-ray machine.
Inihalimbawa rito ni PDEA Director Aaron Aquino ang P57-million na halaga ng shabu na hindi naamoy ng canine at hindi nakita ng x-ray machine dahil nakatago ito sa mga film.
Sinasamantala umano ng sindikato ang panahon ng Kapaskuhan para ipuslit ang kanilang mga kontrabando.
Iniimbestigahan na ng PDEA kung sino ang consignee ng package.
Facebook Comments