Sindikatong nasa likod ng human trafficking sa mga Pinay sa Syria, hahabulin ng DOJ

Pangungunahan ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng Department of Justice (DOJ) ang paghabol sa sindikatong nasa likod ng human trafficking sa mga Filipina patungong Syria via Dubai, UAE.

Sa harap ito ng padami ng mga Pinay na pinadadala ng sindikato sa Syria para iligal na magtrabaho doon gamit ang tourist visa.

Ang mga biktima ay pawang ni-recruit ng mga sindikato sa iba’t ibang mga lalawigan sa bansa.


Sa ngayon, patuloy naman ang pag-lobby ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Syrian authorities at sa employers para makakuha ng exit clearances para sa natitira pang mga Filipina na biktima ng human trafficking sa Syria.

Sila ay nasa pangangalaga ngayon ng Philippine Embassy sa Damascus.

Facebook Comments