Sindikatong nasa likod ng mga insidente ng pagnanakaw sa NAIA, dapat tugisin ng OTS

Suportado ni Deputy Majority Leader at Iloilo First District Representative Janette Garin ang hakbang ng Office of Transportation Security (OTS) na higpitan ang patakaran at pamamaraan ng mga security personnel sa pag-inspeksyon ng bag sa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pero giit ni Garin sa OTS, habulin din ang sindikatong nasa likod ng mga ilegal na gawain sa paliparan at hindi idiin ang mga empleyadong nasa mababang posisyon.

Pahayag ito ni Garin, kaugnay sa insidenteng nilunok umano ng isang security personnel sa ninakaw na pera mula sa isang dayuhan sa NAIA.


Punto ni Garin, hindi ito ang unang beses at malabo rin na iisang tao lang ang sangkot dahil maaaring may sabwatan sa paliparan.

Bunsod nito ay Hinimok ni Garin si Transportation Secretary Jaime Bautista na magkaroon ng timetable para alamin ang sindikatong sangkot sa nabanggit na iligal na gawain.

Facebook Comments