Sindikatong nasa likod ng mga pekeng scholars sa TESDA, binalaan

Manila, Philippines – Kinumpirma ng pamunuan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang paglipana ng mga pekeng scholars sa TESDA na nagsimula pa noong mga nakalipas na administrasyon.

Kaugnay nito, nagbabala ang pamunuan ng TESDA sa Technical Vocational Institutions (TVIs) sa buong bansa na mananagot ang mga ito sakaling makipagsabwatan sa mga indibidwal na nais dungisan ang scholarship program ng TESDA.

Bumuo na ang pamunuan ng TESDA ng “Technical Audit Teams” para mag-inspeksiyon sa mga equipment at facilities ng mga TVIs.


Aktibo na rin ang “inspectorate teams” na siyang umiikot sa mga TVIs sa buong bansa bukod pa sa pagkakaroon ng “Tendering System” kung saan ay magsusumite ang mga training institutions ng “bids” para makakuha ng scholarship slots sa TESDA subalit kinakailangang nakapasa ang mga ito sa technical audit ng ahensiya.

Anila, malaking pondo ng TESDA ang nawawala dahil sa pagkakaroon ng pekeng iskolar at ito ay nagaganap dahil sa pakikipagsabwatan ng TVIs sa ilang indibidwal.

Sa inilabas na ulat ng Commission on Audit (COA), noong mga nakalipas na administrasyon ay laganap ang pagkakaroon ng pekeng iskolar ng TESDA kung saan ay walang nagaganap na training session sa mga training institutions at TVIs.
DZXL558

Facebook Comments