Sindikatong nasa likod ng tangkang human smuggling, iisang grupo lamang

Iisang sindikato lamang ang nasa likod ng sunod-sunod na tangkang human smuggling ng mga Pilipino palabas ng bansa.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), ang naturang trafficking syndicate rin ang nag-o-operate sa Europe at Asia.

Pinakahuling naharang ng immigration officers sa NAIA ang siyam na human trafficking victims na patungo sana ng South Korea.


Noong nakalipas na linggo, walong Pinoy din na patungo sana ng Cyprus ang naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA.

Napag-alaman na ang mga biktima ay hindi magkakakilala at sila ay nagkita-kita lamang sa isang opisina sa Ermita, Maynila.

Facebook Comments