Manila, Philippines – Sinegundahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang posisyon ni Miss Universe 2018 Catriona Gray hinggil sa pagsasa-legal ng marijuana.
Sa Miss Universe 2018 coronation night kahapon, matatandaang sinabi ni Gray na sang-ayon siya sa paggamit ng Marijuana bilang gamot pero hindi para sa recreational drug use.
Sabi ni PDEA Spokesperson Derrick Carreon – napatanuyan na sa maraming pag-aaral na epektibong panggamot ang marijuana pero hindi ito dapat gawing pambisyo.
Sa interview naman ng RMN Manila kay Health Sec. Francisco Duque III – sinang-ayunan din niya ang posisyon ni Gray sa nasabing usapin.
Pero bilang doktor, sinabi ni Duque na hihintayin na lang niya ang resulta ng iba pang pag-aaral hanggang sa mapatunayang mas marami ang positibong epekto nito.
Hanggang ngayon, ban pa rin sa Pilipinas ang marijuana.