Pansamantalang isasara sa susunod na dalawang linggo ang mga sinehan, gaming arcades, at driving schools kasundo ng surge ng COVID-19 cases.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, maglalabas sila ng circular hinggil sa bagong restriction ngayong araw.
Bukod sa mga nabanggit na establisyimento, ang mga cultural centers na sakop ng circular ay ang mga accredited establishments ng Department of Tourism (DOT).
Bago ito, naglabas ang DTI ng Memorandum Circular No. 21-08 na nagpapahintulot sa mga sinehan na magbukas sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine, na may 25% venue capacity – pero tinutulan ito ng Metro Manila mayors.
Facebook Comments