Sinehan, gyms at iba pang establisyimento, papayagang magbukas sa 50% kapasidad sa MGCQ

Papayagan ng pamahalaan na magbukas sa 50-porsyentong kapasidad ang fitness gyms, sinehan, computer shops, bars at iba pang negosyo na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, ang mga negosyo na nasa ilalim ng Category 4 ay hindi pa rin papayagang magbukas sa ilalim ng GCQ, pero papayagang mag-operate ng 50% capacity sa MGCQ.

Dagdag pa ni Lopez, papayagan ang sports activities kung gagawin ito outdoors.


Ang mga business activities na papayagang magbukas sa MGCQ areas ay:

– Kids Amusements

– Archives

– Museums

– Travel Agencies

– Personal Care Services

– Pet Grooming

– Internet, Computer Shops, at iba pang Education Support Establishments

Facebook Comments