
Nagpaabot na rin ng pakikiisa at pakikidalamhati sa Pilipinas si Singapore Prime Minister Lawrence Wong.
Kasunod ito ng malakas na lindol na tumama sa Cebu at mga karatig na lalawigan.
Nagpasalamat naman ang Philippine Embassy sa Singapore sa mabilis na relief at recovery efforts ng Singapore Government sa Pilipinas.
Ito ay lalo na’t maraming Singaporean ang naninirahan sa Cebu.
Patuloy rin na naka-monitor ang Singapore sa sitwasyon sa Cebu at kanila ring tinutunton ang kanilang nationals na nangangailangan ng tulong.
Facebook Comments









