Singapore, nakapagtala na ng kauna-unahang local case ng monkeypox virus; Panama, nakapagtala na rin ng unang kaso ng sakit!

Nakapagtala na ang Singapore ng kauna-unahang local case ng monkeypox virus.

Ayon sa Singapore Health Ministry, isang 45 anyos na Malaysian national ang unang kaso na nagpositibo sa nasabing sakit nitong Miyerkules.

Aniya, tatlong close contact naman ng lalaki ang natukoy na at agad isinailalim sa quarantine ng 21 araw.


Ang mga sintomas na naramdaman ng lalaki ay pagkasugat ng balat, pagkapagod, pamamaga at pananakit ng lalamunan at lagnat.

Samantala, nakapagtala naman ng unang kaso ng monkeypox ang bansang Panama.

Ayon sa Health Ministry Office ng Panama, ang pasyente ay tinamaan ng naturang sakit matapos magkaroon ng contact sa isang turista na galing ng Europe.

Maayos naman ang kondisyon ng pasyente at naka-isolate na ito.

Hindi naman tinukoy ng Health Ministry ang nationality ng pasyente maging ang kasarian nito.

Facebook Comments