Singapore, nakapagtala na ng unang local case ng Monkeypox virus

Kinumpirma ng health ministry ng Singapore ang unang local case ng Monkeypox virus sa kanilang bansa.

Ito ay sa katauhan ng isang 45-taong gulang na lalaking Malyasian national na naninirahan sa bansa at nagpositibo lamang sa virus kahapon.

Nakakaranas ito ng sintomas tulad ng skin lesionso sugat sa lower abdomen, fatigue, pamamaga ng lymph nodes, lagnat at pananakit ng lalamunan.


Nagpapagaling na ito sa National Centre for Infectious Diseases at nasa maayos nang kalagayan.

Sasailalim naman sa 21 days quarantine ang tatlong kinilalang close contacts ng pasyente.

Siniguro naman ng kanilang health ministry na nananatiling mababa ang banta ng pagkalat ng monekypox virus sa Singapore.

Samantala, sinabi ni World Health Organization director-general Tedros Ghebreyesus na magpupulong muli ang kanilang emergency committee on Monkeypox upang pag-usapan kung dapat nang ideklara ito bilang global public health emergency.

Tinatayang nasa mahigit 6,000 kaso na ang naitala sa 58 bansa.

Facebook Comments