
Simula na bukas, June 4, ng dalawang araw na pagbisita sa Pilipinas ni Singapore Prime Minister Lawrence Wong.
Ito ang kauna-unahang bilateral visit ni Prime Minister Wong matapos siyang ma-reappoint nitong Mayo.
Ito rin ang kanyang magiging introductory visit sa Pilipinas.
Kabilang sa kanilang tatalakayin ng Pangulong Bongbong Marcos ang hinggil sa kalusugan, climate change mitigation at civil service cooperation.
Magpapalitan din ng pananaw ang dalawang opisyal hinggil sa political at economic issues sa rehiyon.
Ang Singapore ay ang ika-walong pinakamalaking trading partner ng Pilipinas kung saan 220,000 ang mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho ngayon sa Singapore.
Taong 2017 nang huling dumalaw sa Pilipinas ang Singaporean Prime Minister.









