Manila, Philippines – Hindi nakaiwas sa batikos ang singer na si KZ Tandingan matapos na umawit ng isang mandarin song sa nakaraang episode ng Chinese singing contest na “Singer 2018”.
Pero palinawag ni KZ, pinili niyang kumanta ng mandarin song dahil gusto niyang magkaroon ng koneksyon sa Chinese audience.
Kahit may bumatikos, marami rin naman ang humanga sa adjustment na ginawa ni KZ.
Sa pinakahuling performance ng soul singer, kinanta niya ang “The Pain Which You Don’t Know” kung saan siya nagtapos sa ika-anim na puwesto.
Una nang lumabas ang ulat na “dream performance” ni KZ ang iconic song na “Anak” ni Freddie Aguilar sa tagalog at mandarin.
<#m_-1334139151405971916_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>
Facebook Comments