Singer at lawyer na si Jimmy Bondoc, naghain ng COC sa pagkasenador

Naghain ng kandidatura ang singer at abogadong si Jimmy Bondoc para sa pagkasenador.

Mag-a-alas nuwebe ng umaga ng linggo, Oct 6, nang dumating si Bondoc kasama si Senator Robinhood Padilla sa Tent City ng Manila Hotel para maghain ng Certificate of Candidacy.

Tatakbo si Bondoc sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Dati na rin siyang nanungkulan sa gobyerno bilang miyembro ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) board of directors.

Nagsilbi rin siyang Vice President II ng Corporate Social Responsibility Group, Assistant Vice President ng Entertainment Department at chairman ng PAGCOR Reportorial Terminologies Review Committee.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Bondoc na gusto niyang gamitin ang “boses” upang tuluyan nang wakasan ang korapsiyon sa Pilipinas.

Samantala, bago si Bondoc ay nauna nang naghain ng Certificate of Nomination and Acceptance ang Pinoy Workers Party-list ngayong umaga.

Facebook Comments