Singer-comedienne na si Gladys Guevarra, ikinasal na!

45

Tatlong araw matapos na i-announce ang kanyang engagement, kasal na ngayon ang singer-comedienne na si Gladys Guevarra sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Mike Navarrete.

Ito ang masayang ibinalita ni Gladys matapos siyang mag-post sa kanyang Instagram ng mga picture ng kanilang kasal.


Say ng singer, officially Mrs. Michael Guardian na siya at masaya siyang gigising sa umaga na katabi ang kanyang asawa.

Bumuhos naman ang mga pagbati kay Gladys mula sa mga kaibigan nito sa industriya tulad nina Marian Rivera, Rocco Nacino, Tuesday Vargas, Kris Bernal, at Lotlot de Leon.

Matatandaang noong nakaraang buwan lang opisyal na kinumpirma ni Gladys ang relasyon niya kay Mike.

Facebook Comments