Singer na si Angeline Quinto, may boyfriend na nga ba?

96

Na-curious ang mga fans ng singer na si Angeline Quinto kung may nagpapatibok na nga ba ng kaniyang puso.


Ito ay makaraang magpost si Angeline sa kaniyang instagram na may kasamang non-showbiz guy.

Bagamat walang caption ang kaniyang post, makikitang masaya ang singer na nakaakbay sa non-showbiz guy habang naliligo sila sa isang pool.

May pinost din si Angeline ng larawan ng nasabing lalaki na naka-side view.

Bunsod nito, marami ang masaya para kay Angeline.

Una na kasing inamin ng singer na noong March 2020 ay heartbroken siya dahil sa isang lalaking hindi raw niya alam na may anak at ka-live in na.

Facebook Comments