“Hindi po ako umalis sa ABS-CBN, tinanggal po ako, binan po ako.”
Ito ang pahayag ng singer na si Daryl Ong matapos umani ng batikos mula sa netizens at inakusahang sinamantala niya ang pagpapasara sa ABS-CBN para makalipat ng ibang TV network.
Sa video na inilabas ni Daryl sa kanyang YouTube account, binigyang-linaw niya kung bakit hindi na siya napapanood sa Kapamilya station.
Say nito, may batas daw ang management na nagbabawal sa kanya at kapwa singer na si Bugoy Drilon na lumabas sa anumang Kapamilya shows.
May kinalaman daw ito sa leaked conversation nila ni Bugoy tungkol sa paglilikom ng pirma para sa nakabinbing renewal ng ABS-CBN franchise.
Hindi raw akalain ni Daryl na ni-record pala ng lalaking kasama nila ang usapan nila tungkol sa online petition.
Ang simple raw nilang kuwentuhan ay nabigyan ng malisya nang makarating sa isang boss ng network
Hindi raw sila nabigyan ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanilang side at basta na lang daw ipinag-utos ang pagbabawal sa kanila sa Kapamilya network.