Manila, Philippines – Nakaambang tumaas ang singil sakuryente at tubig, ngayong Abril.
Sa anunsiyo ng Manila Electric Co. (MERALCO), asahan angpagtaas sa kuryente dahil maraming planta ang mag-o-offline sa gitna ngdumaraming demand sa kuryente.
Ayon kay Lawrence Fernandez, Senior Vice President ng MERALCO,hindi lalagpas sa piso ang nakaambang dagdag-singil.
Apektado kasi ito ng 20-day shutdown ng malampaya gasfacility kung saan unang inanunsyo ang aprubadong fuel cost recovery na P 0.66per kilowatthour noong nakaraang buwan.
Samantala, sinabinaman ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), simula sa April 22,tataas rin ang singil sa tubig dahil sa pagbaba ng piso kontra dolyar.
Facebook Comments