Singil sa kuryente at tubig, tataas

Manila, Philippines – Asahan na ang pagtaas ng singil sa kuryente at tubig simula ngayong Agosto.

Sa abiso ng MERALCO, kabuhuang 13 centavos kada kilowatt hour (kwh) ang dagdag singil kung saan kasali na ang refund ang 79 centavos.

Katumbas nito ang 26 pesos hanggang 65 pesos na umento sa mga residential customers.


Paliwanag ni Larry Fernandez, MERALCO Head Utility Economics – ang overall rate para sa buwan ng Agosto ay tumaas sa 8.39 pesos kada kwh kumapara sa 8.20 pesos ngayong buwan.

Aminado si MERALCO Spokesperson Joe Zaldarriaga, na posibleng abutin ng piso kada kilowatt hour ang magiging dagdag sa September bill katubas ng 200 hanggang 500 pesos sa bill ng customers.

Ito’y dahil hanggang Agosto na lamang ang huling bugso ng refund.

Kasabay nito, papatak na rin ang dagdag singil sa Maynilad at Manila Water.

Ito’y kasunod ng foreign currency differential adjustment o epekto ng paghina ng piso kontra dolyar, yen at euro dahil sa utang metropolitan waterworks and sewerage system at mga water concessionaire.

Tataas ang water bill sa 27 centavos kada cubic meter sa mga customer ng maynilad habang 28 centavos naman sa Manila water.

Facebook Comments