Inanunsyo ngayon ng Manila Electric Railroad and Light Company (MERALCO) na magpapatupad sila ng bawas-singil sa kuryente ngayong buwan ng Oktubre.
Ayon sa MERALCO, matapos ang sunod-sunod na pagtaas ng singil sa kuryente, makakaginhawa na ang mamamayang Pilipino dahil sa wakas ay mayroon na silang bawas-singil sa kuryente.
Base sa abiso ng MERALCO, P0.36 centavos bawat kilowatt-hour ang ibaba sa singil sa kuryente para sa sisingilin sa buwan ng Oktubre.
Paliwanag ng MERALCO, ito’y dahil sa mas mababang transmission charge dulot ng Ancillary Service ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at mas mababang generation charge.
Dagdag pa ng MERALCO, ang bawas-singil ay katumbas ng P72 para sa mga kumokonsumo ng average na 200 kWh kada buwan at P179 para sa mga kumokonsumo ng 500 kWh kada buwan.