Singil sa kuryente, bababa ngayong Nobyembre

54

Malalasap na ngayong buwan ng Nobyembre ang pagbaba sa singil ng kuryente para sa mga customer ng MERALCO.

Ito ay dahil ipatutupad na ang P0.04 centavos na bawas sa bawat kilowatt na konsumo.


Ayon kay MERALCO Spokesman Joe Zaldarriaga, P8 ang maaaring bawas sa bawat 200 kilowatt na konsumo.

Paliwanag ni Zaldarriaga P12 naman sa bawat 300 kilowatt habang P16 sa 400 kilowatt at P20.00 sa bawat 500 kilowatt na konsumo.

Dagdag pa nito na ang bawas singil sa kuryente ay agad makikita sa billing ngayong buwan ng Nobyembre.

Facebook Comments