Singil sa kuryente, inaasahang bababa ngayong buwan

Ang pagbaba ng generation charge ng Meralco ang dahilan ng ikalawang buwang sunod na pagbaba sa singil sa kuryente.

Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco – bumaba ang generation charge dahil sa mas mababang singil sa whole sale electricity spot market na nagsu-supply ng kuryente ng kumpanya.

Sa abiso ng Meralco – may bawas na P0.19 per kilowatt hour sa June bill na katumabas ng P38 na tapyas para sa mga kumukonsumo ng 200kwh kada buwan.


Aabot naman sa p57 ang bawas sa singil ng mga kumukonsumo ng 300kwh kada buwan, P76 kung 400 kwh at P95 kung 500 kwh.

Kasabay nito – tiniyak ng Meralco na posible pa ang mga bawas singil sa kuryente sa mga susunod na buwan lalo at papalapit na ang panahon ng tag-ulan.

Facebook Comments