Singil sa kuryente, inaasahang tataas sa Abril – Meralco

Asahan ang mataas na singil sa kuryente sa buwan ng Abril sa harap ng summer season.

Ito ang inanunsyo ng Meralco matapos ang dalawang magkakasunod na buwan na power rate reduction.

Ayon kay Meralco Spokesperson at Vice President for Corporate Communications Joe Zaldarriaga, magkakaroon ng mataas na generation charge sa susunod na buwan dahil sa pagtaas ng presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).


Ang power demand sa Luzon ay tumaas ng higit 900 megawatts ngayong buwan.

Dahil dito, ang power spot prices sa Luzon o ang daily Luzon Load-Weighted Average Price (LWAP) ay umabot sa 8 pesos kada kilowatt-hour (kWH) nitong March 1 at 9 pesos per kWH sa March 15.

Hinihikayat ng Meralco ang mga customers nito na ugaliing gawin ang energy efficiency initiatives sa loob ng bahay para bantayan ang kanilang konsumo sa kuryente lalo na at inaasahang taas ang demand nito ngayong tag-init.

Facebook Comments