Singil sa kuryente, may dagdag singil ngayong buwan

Asahan na ang dagdag singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, mawawala na kasi ang P0.38 kilowatt kada oras na refund na ipinatupad nila noong nakaraang buwan dahil sa sobrang nakolektang universal charge-stranded contract costs.

Sabi naman ni Larry Fernandez, head ng utility economics sa Meralco, may nakikita ring pagmahal ng kuryente sa spot market


Sa pagtatantiya ng Meralco, maglalaro sa P0.05 hanggang P0.30 kada KWH ang magiging dagdag sa overall rate.

Facebook Comments