Nagbabadyang tumaas ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga – ito ay dahil sa serye ng yellow at red alerts o pagnipis ng reserbang kuryente sa Luzon.
Sabi naman ni Utility Economic Head Larry Fernandez – pwede pang mahila pababa ang power rates dahil sa paglakas ng piso kontra dolyar.
Pero depende pa rin ang bayarin sa konsumo sa kuryente ng isang konsyumer.
Nitong June 21 nang naitala ang pinakamataas na konsumo sa kuryente ngayong taon dahil sa tindi ng init ng panahon.
Sa Lunes, ia-anunsyo ng Meralco ang pagbabago sa singil sa kuryente ngayong Hulyo.
Facebook Comments