Asahan na ang taas singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) sa Pebrero.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, babalik na kasi sa normal ang singilan ng mga planta ng kuryente na nagsusuplay sa kanila dahil wala na ang “outage allowance.”
Pinaghahanda na rin ni Zaldarriaga ang mga konsumer sa posibleng pagtaas ng singil sa kuryente pagsapit ng tag-init dahil sa inaasahang malakas na konsumo.
Habang nagpaalala si Meralco utility economics head Larry Fernandez sa nakatakdang “maintenance shutdown” ng Malampaya platform sa Oktubre.
Aniya, apat na malalaking planta ang umaasa sa natural gas para makagawa ng higit 3,000 megawatts ng kuryente sa Luzon.
Facebook Comments