Singil sa kuryente ng ilang distribution utilities, bumaba ng anim na buwan

Bumaba ang singil sa kuryente ng MORE Electric and Power Corporation (MORE Power) para sa mga residente na sineserbisyuhan nito sa Iloilo City.

Sa ibinahaging datos ng More Power, ang residential rate para sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo ay bumaba ng halos P1  sa P12.29 per kilowatt-hour (kWh) mula  P13.25 per kWh.

Nabatid na ang pagbaba ng singil ay bunsod ng pagbaba ng generation cost kaya’t nagresulta ito ng pagdagdag ng geothermal power sa power supply mix na ginawa ng Energy Development Corp.


Ang pagpasok ng renewable energy supplier sa supply mix ay naging daan para bumaba ang value added tax(VAT)  sa generation charge na nasa P0.16 per kWh.

Naging malaking kontribusyon din sa pagbaba ng singil sa kuryente ang spot market price sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at ang pagbaba ng presyo ng coal gayundin ng transmission charge na bumaba sa P0.72 per kWh mula sa P0.90 per kWh noong nakaraang buwan.

Ang pagbaba sa mga charges ay humatak din para bumaba ang system loss charge mula 7 % ay naging 6.49 % na dagdag tulong din sa bayarin ng mga customers.

Matatandaan na una ng sinimulan ng More Power ang bill deposit refund sa kanilang mga customer.

Sa pahayag ni Power President at CEO Roel Castro sa media forum sa Maynila, ang kanilang kusang pagbabalik ng bill deposit ay sa hangarin na rin nila na maging ehemplo sa iba pang distribution utilities.

Tinuring rin na “milestone” ni Energy Regulatory Commission (ERC) Commissioner Alexis Lumbatan ang bill deposit refund initiative ng More Power.

Facebook Comments