Good news…!
Matapos ang naranasang “bill shock” ng mga customer nitong Mayo, magpapatupad naman ng bawas-singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Hunyo.
Sa abiso ng Meralco, 2.16 centavos per kilowatt hour ang ibababa sa singil sa kuryente ngayong buwan.
Kaya para sa mga kumokonsumo ng 200khw kada buwan, P4 ang bawas sa kanilang June billing.
Anim na piso naman ang bawas sa kada 300khw, P8 sa kada 400kwh at P12 para sa mga kumokonsumo ng 500kwh kada buwan.
Ang bawas-singil ay bunsod ng pag-invoke ng Meralco sa force majeure provision sa kontrata nito sa mga planta ng kuryente.
Facebook Comments