Singil sa kuryente ng Meralco ngayong Mayo, naka-ambang tumaas dahil sa pagsipa ng presyo sa spot market

Naka-ambang tumaas ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan bunsod ng pagsipa ng presyuhan sa Wholesalke Electricity Spot Market o WESM.

Ayon kay Meralco Vice President at Corporate Communications Head Joe Zaldarriaga, nakaapekto sa pagtaas ng presyuhan ng kuryente sa WESM ang mataas na demand noong nakaraang buwan at ang paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.

Bagama’t wala pang pinal na anunsyo, una nang ipinabatid ng Meralco ang ₱0.20 na dagdag singil sa kada kilowatt hour dahil sa maintenance shutdown ng Malampaya noong Pebrero.


Habang isasama rin sa May electric bill ang ₱0.04 na taas-singil per kilowatt hour bunsod naman ng universal charge for missionary electrification alinsunod sa kautusan ng Energy Regulatory Commission.

Papasanin ng 7.5-million customers ng Meralco ang magiging resulta ng pagsipa ng presyo ng kuryente sa spot market ngayong buwan.

Facebook Comments