MANILA – Magtataas ng singil sa kuryente ang Manila Electric Company (MERALCO) ngayong DisyembreBunsod ito ng paghina ng piso kontra dolyar.Sa pahayag ng nasabing electric company – nasa P0.1011 ang inaasahang taas-singil kaya papatak na ito sa P8.36 kada-kilowatt hourIbig sabihin, aabot sa P20 ang dagdag sa kabuuang electricity bill kada buwan sa mga kumokonsumo ng 200 kwh.Nabatid na tumagal na ng walong taon ang mahinang piso at nito lamang ay pumalo na ang palitan sa P50 kada isang-dolyar na umano’y pinakamababa sa loob ng 10 taon.Pero ayon sa MERALCO, ang overall rate ngayong buwan ay mas mababa pa rin ng P0.25 per kwh kung ikukumpara sa singil na P8.61 per kwh noong December 2015.
Facebook Comments