Singil sa kuryente ngayong buwan, posibleng tumaas!

Nakaambang tumaas ang singil ng kuryente ngayong buwan.

Ito ay matapos ideklara ng Korte Suprema na “null and void” ang kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) hinggil sa regulated power rates sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) noong November at December 2013.

Batay sa inilabas na desisyon ng korte, ang kautusan ng ERC na pumipigil sa 2013 Luzon rates ay ibinatay sa ‘unfinished investigation’ at ang rates sa naturang panahon ay hindi reasonable, walang rationale at hindi competitive dahil sa influence of factors.


Kaugnay nito, inaatasan ng ERC ang Philippine Electricity Market Corporation ang operator ng WESM na mag-recalculate ng kanilang rates.

Matatandaang, inihain sa Korte Suprema ang mga petisyon sa umano’y pag-apruba ng ERC sa kahilingan ng Meralco nang pag-kolekta ng automatic rate adjustments mula sa generation cost noong November 2013.

Facebook Comments