Singil sa kuryente ngayong Disyembre, bababa ayon sa Meralco

Bababa ng P0.0352 per kilowatt hour (kWh) ang singil sa kuryente ngayong Disyembre dahil sa pagbaba ng generation charges.

Ayon sa Meralco, ito na ang ikalawang pinakamababang rate mula noong maramdaman ang unang pagbaba ng rate noong September 2017.

Ang residential customers na nagkonsumo ng 200 kWh ng kuryente ay asahan na ang P7.00 na pagbaba sa kanilang December bill.


Paliwanag ng Meralco, nagkaroon ng pagbaba sa overall power demand sa Luzon Grid kaya’t bumaba ang Generation Charge ng P0.0502 per kWh sa P4.1516 per kWh nitong December.

Ibig sabihin, ang nakakonsumo ng 200 kWh ay may bawas na P7.00, habang ang nakakonsumo ng 300 kWh ay may bawas na P11.00, ang mga nakakonsumo naman ng 400 kWh ay may bawas na P14.00 at ang nakakonsumo ng 500kWh ay may bawas na P18.00.

Inanunsyo rin ng Meralco na hindi magpuputol ng serbisyo ng kuryente hanggang December 2020 sa mga bahay na nakonsumo ng 200 kWh o mas mababa pa na hindi nakabayad ng kuryente dahil sa quarantine restrictions.

Sa mga nakakonsumo naman ng 201 kWh pataas ay may 30-day grace period sa pagbabayad ng kuryente para sa mga nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na walang interest o penalty.

Facebook Comments