
Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang P0.2331 kada kWh na dagdag-singil sa
kuryente ngayong Oktubre.
Bunga nito, nasa P13.3182 kada kWh ang kabuuang rate para sa isang pangkaraniwang pamilya ngayong buwan.
Katumbas ito ng karagdagang ₱47 sa kabuuang bill sa kuryente para sa mga customer na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan.
Nilinaw ng Meralco na mas mataas ang generation charge ngayong buwan kaya nagkaroon ng dagdag na singil sa kuryente.
Nakaapekto rin ang paghina ng piso kontra dolyar at ang extension ng power purchase agreement ng Meralco sa First Gas-Sta. Rita plant.
Facebook Comments









