SINGIL SA KURYENTE NGAYONG SETYEMBRE, TATAAS

Cauayan City – Naglabas ng anunsyo ang Isabela Electric Cooperative 1 kaugnay sa ipatutupad na taas-singil sa Electric Bill ngayong buwan ng Setyembre.

Sa inilabas na abiso ng ISELCO 1, ang singil sa residential ngayong buwan ay nasa P11.7827/KWh.

Ang singil naman sa Low Voltage ay nasa P10.9072/kWh, habang ang singil naman sa High Voltage at P9.2988/kWh.


Samantala, ipinaliwanag naman ng kooperatiba na ang pangunahing dahilan ng pagtaas sa singil sa kuryente ngayong buwan ay ang pagtaas rin ng transmission rate dahil sa pagpapatuloy ng Ancillary Service (AS) Reserve Market (AS-RM), kung saan nagkaroon ng pagtaas sa Ancillary Service Charge na mula sa P14, 319,008. 19 hanggang P35,483, 127.02.

Facebook Comments