Inaasahan na ng ilang konsyumer ng kuryente sa Pangasinan ang biglaang pagsirit sa singil sa kuryente sa nagdaang buwan ng Abril bunsod pa rin ng nararanasang init ng panahon.
Tumaas ng halos piso kada kilowatt hour ang singil ng isang electric provider sa Dagupan City nitong Abril.
Ayon sa kay Atty Randy Castillan, tagapagsalita ng Dagupan Electric Corporation Inc., 10.58 ang average selling rate nitong Abril, mas mataas kaysa 9.48 noong nakaraang buwan dahil sa pagtaas din ng singil sa west electricity spot market o WESM.
Dagdag pa niya, noong February hanggang sa kalagitnaan ng Marso ay nagkaroon umano ng scheduled maintenance ang isa nitong planta kaya’t sila ay sa WESM bumibili.
Samantala, patuloy ang paalala ng electric provider ang pagtitipid sa pagkonsumo ng kuryente dahil na rin sa taas ng demand nito.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









