Singil sa kuryente para sa buwan ng Agosto, bababa ayon sa Meralco

66

Magandang balita para sa lahat ng mga kustomer ng Meralco dahil magbaba ng singil sa kuryente.


Sa isang pahayag, sinabi ng kanilang PIO na P0.2055/Kwh ang itatapyas nila para sa paparating na August bill.

Dahil ito umano sa mas mababang generation charge sa ika limang sunod na buwan.

Paliwanag ng Meralco, ang mas mababang generation charge ay dahil sa mas murang Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at Independent Power Producers (IPPs).

Katumbas ang bawas singil ng Php 41 para sa mga kumokonsumo ng 200 Kwh at Php 103 naman para sa mga komokunsumo ng 500/Kwh.

Facebook Comments