Batay sa inilabas na datos ng DECORP, nasa ₱9.30 kada kilowatt-hour (kWh) ang average selling rate ngayong Enero, mas mababa kumpara sa ₱9.70 kada kWh noong nakaraang buwan.
Dahil dito, inaasahang makakakita ng bahagyang bawas sa bayarin ang mga konsyumer, partikular ang mga kabahayang kumokonsumo ng humigit-kumulang 100 kWh kada buwan.
Nilinaw rin ng kompanya na nananatiling hindi nagbabago mula pa noong 2015 ang distribution, supply, at metering charges.
Patuloy namang hinihikayat ang mga konsumer na magpatupad ng mga hakbang sa pagtitipid ng kuryente upang makontrol ang konsumo at maiwasan ang mas mataas na bayarin.
Pinaalalahanan din ang mga konsyumer na tiyaking nasa oras ang pagbabayad ng kanilang electric bills upang maiwasan ang posibleng pagkaantala ng serbisyo.








