SINGIL SA KURYENTE SA DAGUPAN CITY NGAYONG MARSO, BUMABA

Bahagyang bababa ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Marso, ayon sa abiso ng Dagupan Electric Corporation o DECORP.

Mula sa dating Php 10.21 kada kilowatt hour, bumaba ito sa Php 10.03 kada kilowatt hour.

Sa kabila ng bahagyang pagtaas sa transmission cost dahil sa mas mataas na singil sa ancillary services ng NGCP, nanaig pa rin ang pagbaba ng overall rate.

Ito ay bunsod umano ng mas maayos na suplay ng kuryente sa Luzon Grid na nagresulta sa mas mababang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM.

Sa tantiya, ang isang pamilyang kumokonsumo ng 100 kilowatt hour kada buwan ay makakatipid ng humigit-kumulang 18 sentimos kada kilowatt hour.

Samantala, nananatiling hindi nagbabago mula pa noong 2015 ang distribution, supply, at metering charges ng DECORP.

Paalala naman sa publiko, ugaliin pa rin ang pagtitipid sa kuryente upang mas mapababa ang konsumo sa bahay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments