Bahagyang tumaas ang singil sa kuryente sa ilang lugar sa Pangasinan ngayong Enero.
Ayon kay Atty. Randy Castilian, ang Legal Counsel at Spokesperson ng Dagupan Electric Corporation (DECORP), nasa . 8209 centavos ang naging pagtaas ng generation charge.
Gawa umano ito ng pagtaas ng fuel cost, resulta upang umakyat ang generation cost.
Iginiit ni Castilian na kung ikukumpara sa ibang power utility providers sa Pangasinan, pinakamababa pa rin sa ang nasabing power firm.
Ang DECORP ay nagsusupply ng kuryente sa Dagupan City, Calasiao, Sta. Barbara, San Jacinto, San Fabian, at. Manaoag. | ifmnews
Facebook Comments