Manila, Philippines – Asahan ang pagbaba ng singil sa kuryente sa susunod na buwan dahil sa ikalawang bugso ng refund ng MERALCO.
Ayon kay MERALCO Spokesperson Joe Zaldarriaga – sisimulan na nila ang paniningil sa Philippine Electricity Market Corporation ng 2.9 billion pesos sa lahat ng electric cooperative at distribution utility bilang pagbayad sa paggamit ng Malampaya power plant.
Samantala, humirit naman ng dagdag-singil ang Maynilad at Manila Water dahil sa paghina ng piso kontra dolyar.
Sa manila water, 29-centavos kada cubic meter habang 7-centavos naman sa Maynila.
Pero dahil hindi pa naaprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) board, hindi ito kayang ihabol sa susunod na buwan.
Facebook Comments