SINGIL SA KURYENTE SA PANGASINAN, BUMABA

Bumaba ang singil sa kuryente ng mga konsyumer ng Dagupan Electric Corporation o DECORP, ngayong buwan.

Ayon sa DECORP, bumaba ng 16 centavos per kwh ang ibinaba ng singil nila o katumbas ng 9.26 na over all selling rate.

Dagdag pa nila, kung tutuusin ay tumaas umano ang kanilang singil sa generation charge ngunit ipinag-utos umano ng Energy Regulation Commission o ERC na irefund ang regulatory reset fee dahil hindi pa umano sila nakapag-reset.

Samantala, patuloy naman ang panawagan ng electric company sa mga consumers lalo na at inaasahan ang muling pagsipa nito sa demand sa susunod na buwan kasahay ng inaasahang pagpasok ng summer season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments