Ikinalugod ng mga member-consumers ng Pangasinan 1 Electric Cooperative ang mas mababang singil sa kuryente sa pagpasok ng taong 2026.
Ngayong Enero, bumaba ang power rate ng tanggapan sa ₱7.3359 per kWh mula sa singil na ₱8.1319 per kWh noong Disyembre 2025.
Bahagya ring bumaba ang generation rate ngayong buwan sa P3.3592/kWh mula sa P3.9412/kWh noong Disyembre 2025, para sa mga low voltage, high voltage, at residential consumers.
Ayon sa pamunuan, dahilan umano ito ng mas mababang generation, transmission, at system loss charges sa kabila ng bahagyang pagtaas ng subsidy at universal charges, maging ng buwis na ipinapataw ng gobyerno.
Sa kabila nito, patuloy ang paalala ng mga awtoridad na huwag mag-aksaya ng kuryente upang makatipid pa rin sa kabila ng pagbaba ng singil ngayong buwan.










