Asahan ang taas singil sa kuryente ngayong buwan bunga ng mataas na generation at transmission charges.
Ayon kay Meralco Vice President and Corporate Communications Head Joe Zaldarriaga, ang overall electricity rates para sa buwan ng Mayo ay tumaas ng ₱0.19 per kilowatt-hour, mula sa ₱8.41 per kilowatt-hour patugong ₱8.59 per kwh.
Katumbas ito ng nasa 37 pesos sa kabuoang bill ng isang residential customer na kumokonsumo ng 200 kwh.
Gayumpaman, ang overall rate ngayong buwan ay mababa pa rin sa rate noong nakaraang taon na nasa ₱0.15 per kwh.
Dagdag pa ni Zaldarriaga, nakumpleto na ang refund over-recoveries sa pass-through charges, na ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Facebook Comments