MANILA – Tataas ang singil sa kuryente ngayong Disyembre.Ayon sa MERALCO – aabot sa P0.10 sentimo kada kilowatt hour ang dagdag-presyo dahil pagtaas ng generation charge bunsod ng paghina ng piso kontra dolyar.Katumbas ito ng P20 hanggang P50 sa mga komukonsumo ng hanggang 500 kilowatt hour kada buwan.Gayunman, kahit may pagtaas mas mababa parin ang singil sa kuryente ngayon kumpara noong nakaraang taon.Samantala, may namumuro ring badnews sa mga motorista dahil sa nagbabadyang big time oil price hike sa susunod na linggoBatay sa unang dalawang araw ng trading, mahigit P1.50 sentimo na ang iminahal sa gasolina habang P1.40 sentimo naman sa diesel.Bukod ditto, humihirit din ng average na p0.70 sentimo na dagdag-singil sa kada cubic meter ang Manila water at P0.19 sentimoang Maynilad.
Singil Sa Kuryente, Tataas Ngayong Disyembre Dahil Sa Pagbagsak Ng Piso Kontra Dolyar – Dagdag Singil Sa Tubig, Nakaamba
Facebook Comments