Tataas ang singil sa kuryente sa Enero.
Ito ay matapos na aprubahan ng Energy Regulatory Commission ang pagkolekta ng 70% recalculated Reserve Trading Amounts (RTAs) simula sa Enero.
Nangangahulugan ito na irerekober na sa consumers ang mahigit 3-billion pesos na pambayad sa ancillary services ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Bunga nito, simula sa Enero magkakaroon ng 12 sentimo kada kilowatt hour sa Luzon sa loob ng tatlong buwan at 12 sentimo kada kilowatt hour din sa Visayas sa loob ng anim na buwan.
Habang sa tatlong sentimo naman kada kilowatt hour ang magiging dagdag sa Mindanao sa loob ng tatlong buwan.
Ang naturang dagdag-singil sa kuryente ay makikita sa transmission charge sa electric bill.
Facebook Comments