Singil sa pagkuha ng dokumento sa PSA ARMM tumaas ng P15

Apektado rin ng Train LAW ang Philippine Statistic Authority ARMM- Cotabato City itoy sa kadahilanang nakatakdang magtataas ng payment sa pagkuha ng mga dokumento sa nasabing tanggapan.

Sa panayam ng DXMY kay Esmail Bong Baraguir, Outlet Supervisor, 15 peso ang dagdag sa singil sa pagkuha ng mga dokumentong kinabibilangan ng birth, marriage at death certificate, magiging 155 pesos na mula sa 140 ang payment sa nabanggit na mga documents habang magiging 210 pesos na ang pagkuha ng CENOMAR mula 190.

Epektibo Pebrero 2, 2018 ang pagbabago ng singilan sa mga nasabing documents dagdag ni Baraguir.


Sa kabila nito, mariing inihayag ni Baraguir na mas pinabilis naman ang proseso sa pagkuha ng mga nasabing doukumento sa PSA ARMM.

Facebook Comments