Manila, Philippines – Asahan na sa mga susunod na panahon ang pagtataas ng singil sa pag-apply at pag-renew ng passport.
Ito ay dahil sa mga karagdagang improvement at security features na ilalagay sa mga pasaporte.
Ayon sa Department of Foreign Affairs mandato nilang mapagbuti at mapaghusay ang passport processing system upang makasabay sa world standards.
Pero sa ngayon mananatili muna sa P950 ang pagproseso sa passport na mayruon nang 10 yr validity period.
Kasunod nito inilabas ng DFA ang Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 10928 o “An Act Extending the Validity of Philippine Passports” na isinabatas nuong Aug 2 2017.
Sa ilalim ng IRR, walang mababago sa kasalukuyang pasaporte maliban lamang sa validity period nitong 10 yrs mula sa 5 taon.
Pero ang mga Filipinos under 18 years old ay bibigyan parin ng passport na mayruong 5 yrs validity period.
Epektibo simula Jan. 1 2018 maaari nang magamit ang passport na mayroong 10 yrs. validity period.