Singil sa parking, pinapa-regulate ng Senado

Pinapa-regulate ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., ang mga singil sa parking.

Muling isinusulong ng senador ang panukala sa paghahain ng Senate Bill 1463 na layong magtakda ng maximum na singil sa mga parking.

Sa panukala ni Revilla, P20 lang dapat ang parking fee ng lahat ng uri ng sasakyan para sa unang tatlong oras at P50 na sa bawat oras na kasunod.


Sa motorsiklo naman ay P10 ang singil sa parking sa unang tatlong oras at P2 sa bawat oras na kasunod.

Kapag naman overnight na magpa-park, hanggang P100 ang parking fee ng lahat ng uri ng sasakyan at P50 kung motorsiklo.

Kung ang may-ari ng sasakyan ay namili sa commercial establishment at hindi bababa sa P500 ang pinamili, ipinalilibre naman ang parking fee nito sa unang tatlong oras.

Nakapaloob sa panukala na ang mga lalabag o maniningil ng labis-labis na singil sa parking ay pagmumultahin ng P100,000 sa bawat paglabag.

Facebook Comments