Singil sa pasahe sa mga barko, tumaas ilang araw bago ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season!

Ilang araw bago ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan ngayong papalapit ang holiday season, tumaas na ang singil sa pasahe sa mga barko.

Kabilang sa mga nagtaas ay ang Batangas Port at ang mga papunta sa Oriental Mindoro ngayong Kapaskuhan at Bagong-Taon.

Pinaka-mahal sa FastCat, kung saan P542 na mula sa dating P420 ang pasahe patungong Calapan City; P528 mula sa dating P468 sa Montenegro shipping, habang P530 mula sa dating P450 na ang kada pasahero sa Starlite Ferries.


Kasunod nito, humingi na ng saklolo ang mga pasahero sa Department of Transportation (DOTr) na resolbahin agad ang umanong taas-pasahe ng mga shipping liner.

Nagpag-alaman din na may ilan pang biyahero na hindi nakasakay dahil sa napakamahal na pasahe na ipinatupad nang wala umanong abiso sa publiko.

Samantala, sa ngayon ay wala pang tugon si Transportation Secretary Jaime Bautista, maging si Undersecretary for Maritime Sector Elmer Sarmiento at Maritime Industry Authority Administrator Hernani Fabia sa hinaing ng mga pasahero.

Facebook Comments