Singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water, tataas sa Oktubre

Manila, Philippines – Magkakaroon ng dagdag-singil sa tubig ang Manila Water at Maynila sa Oktubre.

Asahan nang tataas ng kabuuang P0.32 hanggang P0.40 kada cubic meter ang singil ng Manila Water.

Sa maynilad naman, P0.14 hanggang P0.17 kada cubic meter ang kabuuang dagdag.


Ayon kay Atty. Patrick Ty, Chief regulator ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), ito ay dahil epekto ng paghina ng palitan ng piso kontra dolyar.

Samantala, inatasan na ng Quezon City Regional Trial Court ang MWSS na ituloy ang dagdag singil na P3.41 kada cubic meter ng Maynilad.

Gayunman, wala pang desisyon ang Department of FINANCE o MWSS kung babayaran o papayagan ang dagdag-singil na ito.

Pero bukod rito, may hiwalay pang hirit na dagdag-singil sa MWSS ang dalawang water concessionaires na magsisimula sa Enero 2018 hanggang 2023.

Ang maynilad, humihiling ng P9.69 kada cubic meter na idaragdag pa sa P34.51 na basic charge.

Habang ang Manila Water naman ay humihirit ng P8.30 kada cubic meter na dagdag sa basic charge na P24.80 kada cubic meter.

Facebook Comments